September 19, 2024

MARJORIE BARRETTO, IPAKUKULONG SI JAY SONZA

MASAMA ang loob ni Marjorie Barretto kay Jay Sonza, dahil ito ang nagkalat na buntis ang kanyang anak nasi Julia at ang ama ay si Gerald Anderson. Kaya naghamon ito na kung hindi siya titigil ay idedemanda niya ito at ipakukulong.

“Masamang masama ang loob ko sa kumakalat na balita about Julia! She’s my daughter and I will do everything to protect her and my family! I don’t know the full intention of Jay Sonza sa pagkakalat ng balitang ito. But I will see to it na mananagot siya!”

Humihingi ng public apology para sa anak ang ina ni Julia laban kay Sonza. Kung hindi niya ito gagawin ay tutuluyan niyang idemanda ang nasabing reporter. Nagtataka lamang si Marjorie, kung bakit pinapahiya ni nito ang kanyang anak.

Walang atrasong nagawa si Julia sa kanya, kaya dapat lang daw na mag-apology siya sa anak niya na si Julia Barretto.