Ang matinding kampanya laban sa korapsyon—partikular ang imbestigasyon at pagpapanagot sa kontrobersyal na flood control projects scandal—ang pangunahing paksa na gustong marinig ng mga Pilipino sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27, 2026.
Batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na inilabas ngayong Biyernes, Hulyo 24, umabot sa 29.8% ng mga respondent ang pumili sa anti-corruption initiatives bilang top issue, na sinundan agad ng usapin sa murang bilihin (18.7%).
Matatandaang ang usapin sa flood control corruption din ang naging sentro ng SONA ng Pangulo noong nakaraang taon, na nagbunsod sa pagkakakulong nina dating Senador Bong Revilla at Senador Jinggoy Estrada sa Quezon City Jail ukol sa plunder charges.
BASAHIN: Patong-patong na kaso vs Romualdez, Zaldy Co isinampa na ng Ombudsman
Kabilang din sa mga nabanggit sa survey na nais matutukan ng gobyerno ang paglikha ng trabaho at kabuhayan (6.6%), paglaban sa kahirapan (6.2%), kampanya sa ilegal na droga (5.5%), at pagpataas ng pasahod ng mga manggagawa (5.1%).
Ginawa ang nasabing survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 3, 2026 sa 2,400 adult respondents sa buong bansa bago pa man magsimula ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte noong Hulyo 6.
Mayroon itong ± 2% error margin sa 95% confidence level sa pambansang antas. (KARLOS GARCIA)
