Opisyal na Poster ng Summit
ANG Film Development Council of the Philippines (FDCP, nabuo 2002) sa pakikipagtulungan ng Asian Film Alliance Network (AFAN, itinatag 2023) ay buong pagmamalaking inihahayag na ang Pilipinas ang magiging host ng ASEAN Film and TV Summit 2026 sa Seda Manila Bay, Aseana City, Parañaque, mula 12 hanggang 14 Agosto 2026.
Ngayong taon mula sa temang “Navigating our Future, Together” ay magdadala ng mga pinuno ng industriya, mga producer, mga archivist, mga edukador, mga policymaker, at mga institusyong pangkultura mula sa buong rehiyon upang ipagdiwang ang sinehang Asyano, palakasin ang pag-unawa sa kultura, magpalitan ng mga pananaw sa umuunlad na merkado ng screen sa rehiyon, at palakasin ang mga pandaigdigang relasyon.
Ang summit ay magkakaroon ng iba’t ibang mga gawain para sa pandaigdigang delegado at sa publiko batay sa sumusunod:
* 12 Agosto Miyerkoles: Mga Pagbisita sa Kultura
Ang mga delegado ay bibisita sa mga pangunahing pook-pamana sa Intramuros, kabilang ang Philippine Film Heritage Building, upang masulyapan ang makulay na kasaysayan at kultura ng pelikulang Pilipino;
* 13 Agosto Huwebes: Mga Talakayan at Diskusyon
Magkakaroon ng pangunahing presentasyon si Prop. Patrick F. Campos, PhD, at isang dalawang sesyon na pampublikong forum na tatalakay sa dalawang mahalagang haligi ng industriya ng pelikula: ang pag-archive ng pelikula, at edukasyon sa pelikula. Susuriin sa mga talakayan ang kasalukuyang kalagayan at kalakaran ng parehong larangan: ang mga hamon at oportunidad na kinakaharap, at ang papel sa pagpapanatili ng pambansang pamana ng sinehan at paghubog ng industriya ng pelikula. Kumpirmadong dadalo sa summit ay ang sumusunod: Ministry of Culture Thailand, Badan Perfilman Indonesia (Indonesian Film Board), European Film Agency Directors Association (EFAD), French National Centre for Cinema and the Moving Image (CNC), Korean Film Council (KOFIC), Agency for Cultural Affairs (Japan), Ministry of Culture, Sports, at Tourism (Vietnam), at iba pa;
* 14 Agosto Biyernes: AFAN Saradong Sesyon
Ang mga kasapi ng organisasyong AFAN at mga inanyayahang stakeholder ay may isang closed-door na pagpupulong upang talakayin ang mga prayoridad sa rehiyon, mga pinagsasaluhang hamon, mga umuusbong na oportunidad, at mga kolaboratibong inisyatiba na makakatulong sa pagpapalakas ng Asian screen ecosystem.
Samantala sa pagitan ng 09 (Linggo) hanggang 14 (Biyernes) Agosto ay magkakaroon ng AFAN Boot Camp para sa mga Batang Filmmaker na magdadala ng labing-anim (16) na umuusbong na filmmaker mula sa buong Asya. Susuriin ng masinsinang film lab na nakatuon sa pagbuo ng script, co-production, at project pitching sa pakikipagtulungan sa Production and Storytelling (PaS).
Ang likha ng mga kalahok ay ipapalabas sa Ayala Malls Cinema at sa mga FDCP Cinematheque Centres sa Maynila, Bacolod, at Iloilo, bilang bahagi ng programa. Susundan ng isang talkback session kasama ang mga filmmaker sa mga screening sa Ayala Malls Cinema.
Ang mga kalahok ay nakatakda para sa industry mixers sa 13 Agosto (Huwebes) na lilikha ng pagkakataong magkaroon ng ugnayan sa mga Pilipinong producer, filmmaker, at iba pang mga propesyonal sa industriya. Ang paghohost ng Pilipinas para sa ASEAN Film and TV Summit 2026 ay lilikha ng kasaysayan bilang mahalagang hakbang sa lumalawak na pakikipag-ugnayan ng bansa sa rehiyonal at pandaigdigang komunidad ng screen. Sa pamamagitan ng makabuluhan at kolaboratibong diyalogo, pakikipagtulungan, at palitan ng kultura – pinatitibay ng summit ang pangako ng bansa na palakasin ang mga pakikipagsosyo sa industriya at isulong ang iba’t ibang tinig at kuwento sa Asya.
