Tuluyan nang dinala sa susunod na antas ng model-actress na si Yassi Pressman at ng kaniyang kasintahan na si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte ang kanilang relasyon matapos nilang opisyal na ianunsyo ang kanilang engagement online.
Naganap ang romantikong proposal habang nagbabakasyon ang dalawa, kung saan lumuhod ang batang politiko upang alukin ng kasal ang aktres sabay suot ng engagement ring.
Sa kaniyang Instagram account, masayang ipinangalandakan ni Villafuerte ang simula ng kanilang bagong yugto na may caption na “Our greatest adventure.”
Hindi rin nagpahuli si Yassi sa pagbabahagi ng kaniyang saya sa kaniyang mga followers sa Instagram.
Nag-upload ang aktres ng mga video na nagpapakita ng kaniyang reaksyon at matamis na pagtatanong ng “Guess what?” sabay flex sa kaniyang kumikinang na singsing na umani naman ng pagbati mula sa kanilang mga kapwa artista, kaibigan, at mga tagahanga.
