Matagal daw mawawala si Juan Karlos Labaho. Nagpaalam at nagpasalamat na nga ito sa kanyang mga supporters na nag-aalala sa kanyang paglisan. Kung anong dahilan, ayaw niyang sabihin.
Bilang patunay, bigla na lamang niyang pinalitan ang kanyang profile sa Instagram account niya ng black image. Pati rin ang kanyang Facebook, talagang tinotoo niya.
Nagdududa ang kanyang 849,000 followers na baka part lang iyan ng kanyang promo para sa bago niyang song na may titulong ‘Bless U.’ Ginamit niya ang kanta para sa paglikom ng pera upang pangtulong sa ating mga frontliners.
Meron ngang chika na baka dinamdam niya ang naging resulta sa paghahanap niya kay Oliver Stolz, ang kanyang German na ama. Nang makita niya ito ay mukhang hindi siya tanggap dahil may iba na itong pamilya.
Walang nakakaalam ng pansamantalang paglisan ni JK. Pero ang hiling ng kanyang mga fans sana ay nasa mabuti siyang kalagayan at sana wala raw siyang sakit.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?