May 9, 2024

Owner ng New Orleans Pelicans at Saints ng NFL, nagpositive sa COVID-19

Nagulantang ang pamunuan ng NBA team na New Orleans Pelicans at National Foot League (NFL) New Orleans Saints sa nangyari sa kanilang owner.

Lumabas kasi na nagpositibo si Gayle Benson sa COVID-19. Kinumpirma mismo ito ni Greg Bensel, vice president of communications and broadcasting ng 2 franchise.

Gayunman, nasa bahay lang si Benson, 73-anyos, at tuloy ang trabaho nito. Markado si Benson nang magdonate ito ng US$ 1 milyon upang ilatag ang Community Assistance Fund. Layun nito na makatulong ang pondo kontra sa COVID-19 sa mga taga-New Orleans.

Ang ginang ay balo ng yumaong si Tom Benson. Ang mister nito ay pumanaw noong Marso 2018.