Photo: LA Times
Magkakaroon ng makasaysayang grand homecoming ang Filipino tennis star na si Alex Eala sa pagharap nito sa Indonesian tennis player na si Janice Tjen sa Philippine Arena sa Bulacan sa Disyembre 8, 2026.
Ito ay sa ilalim ng eksibisyon na inorganisa ng Tatler na pinamagatang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate,” na naglalayong makapagtala ng panibagong rekord sa dami ng manonood sa isang tennis event sa bansa.
“Kamusta Pilipinas, I’m coming home, and I will be playing vs Janice Tjen. I can’t wait to share this with you,” pahayag ni Eala sa isang bidyo para sa kanyang mga tagahanga.
Nagsisimula sa halagang P600 ang presyo ng mga tiket para sa nasabing kaganapan. (RON TOLENTINO)
