
PATI ba naman sina Sam Milby at Catriona Gray, idinadamay nilang maghihiwalay din at magagaya kina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil hindi lang sinuot ang engagement ring?
“Dinenay na iyan ni beauty queen Catriona Gray, pinabulaanan niyang hindi totoo ang mga isyung hinala nila sa relayon nila ngayon ni Sam. Hindi rin totoo iyong kumakalat na isyu na nag-breakup na sila, dahil malabong mangyari iyon sa kanila.
“Milagrong magaya sina Sam at Catriona kina Bea at Dominic, iyong relasyon kasi nung dalawa pinapanatili nilang maayos.
“Excited na nga sila dahil inaayos na nila ang takda ng kanilang pagpapakasal, at maging ang kanilang mga fans ay hinihintay na nila ang pagharap ng dalawa sa altar para papag-isahin sila bilang mag-asawa,” kwento ng aking source.
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO