May 19, 2024

BONG REVILLA, PAGGAWA NAMAN NG PELIKULA ANG AATUPAGIN

MATAGUMPAY ang comedy action drama series ni Sen. Bong Revilla na ‘Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, ‘ dahil mataas ang ratings nito sa GMA 7.

“Pinaghirapan namin iyan at pinaganda, dahil priorities namin ang mga televiewers dahil gusto namin silang pasayahin. The fact na masaya sila, siyempre masaya rin kami.

“Stop muna ako sa TV series, plano ko namang gumawa ng pelikula ngayong taon. Matagal din akong nahinto sa paggawa ko ng pelikula, pero ngayon iyan naman aatupagin ko.

“Ang plano ko, makagawa ako kahit dalawang pelikula kada taon. Isang pang regular showing at isang entry sa Metro Manila Film Festival, para makatulong na rin sa muling paghikayat na muling pasayahin ang ating movie Industry.

“Ang isa pang layunin ko sa paggawa ko ng pelikula, ay para maibalik ang sigla ng ating mga moviegowers, at para makapagbigay na rin ng trabaho sa ating mga kasamahan sa ating movie industry. At naniniwala akong magtatagumpay tayo sa mithiin kong makatulong, dahil marami rin ang Alam kong susuporta sa layunin kong ito,” pagtatapos pa ni Sen. Bong Revilla Jr.