April 28, 2024

PAYOUT NG TUPAD SA BATANGAS, PINANGUNAHAN NI SEN. LAPID

NAGPAABOT ng maalab na pagbati ng Happy Valentine’s day si Supremo Senador Lito Lapid sa mga  Batangueño nitong Lunes, ilang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Ito’y matapos pangunahan ang payout ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers(TUPAD) ng DOLE sa bayan ng San Juan at Padre Garcia ngayong Lunes ng umaga, February 12.

Nabiyayaan ang nasa 338  benepisyaryo na nagtrabaho sa loob ng 2 linggo sa kani-kanilang bayan.

Todo pasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Senador Lapid.

Nagbiro naman ang Senador sa mga Batanguena na available raw siya maging  ka-date nila sa Valentine’s day. Matapos ito, dumalo si Lapid sa plenary session ng Senado nitong Lunes.