May 18, 2024

KATHRYN BERNARDO, SHOOTING NG PELIKULA NIYANG ‘ELENA’ UUMPISAHAN NA

UNANG pelikula pala ni Asia’s Superstar Kathryn Bernado ang ‘Elena,’ under Kapamilya network at ng Star Cinema. Naantala lang ito dahil pumanaw ang isa sa Kapamilya network boss na si Deo Endrinal, pero pagkatapos itong mailibing ay tuloy na ang pag-giling ng kamera.

“Masaya si Kathryn Bernado, dahil lahat ng nakalagay sa kontrata ay sinunod naman ng ABS-CBN at ng Star Cinema. Ang isa sa demand niya na ‘Freedom to choose,’ na napaka importante daw sa actress.

“Ang isa pang demand niya ay ang bawal niyang makasama ang ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla, sa mga projects niyang gagawin at nasunod din ito.

“Ayon pa kay Kathryn, siya raw iyong tipo ng tao na parang feeling niya ay hindi niya hawak iyong buhay niya at ayaw niya ang ganuong sitwasyon na may nagdidikta sa kanya,” paliwanag ng aking source.