December 25, 2024

UTAK SA PAGBOMBA SA MSU GYM, PATAY SA ENGKWENTRO

Photo: GMA

PATAY sa nangyaring engkwentro sa Lanao del Sur ang suspek sa pambobomba sa Mindanao State University gymnasium sa Marawi City noong nakaraang Disyembre.

Kinilala ng Armed Forces of the Philippines, si Khadafi Mimbesa alyas Engineer bilang amir o lider ng Dawlah Islamiyah – Maute Group at mastermind ng madugong pambobomba sa MSU.

 “Statements from a surrendered terrorist, identified as KHATAB, a high-value individual in the DI-Maute Group who surrendered to the 2nd Mechanized Brigade on February 11, have corroborated the initial information on demise of the DI-Maute Group Amir and the mastermind behind the MSU bombing,” ayon sa militar.

Bago pa man naganap ang engkwentro, unang nagsagawa ng operasyon ng AFP na humantong sa pagkasawi ng siyam na di umano’y miyembro ng Daulah Islamiyah.

Sa naunang impormasyon na inilabas ng AFP, tinukoy nila na kabilang sa mga napatay na suspek ay si Saumay Saiden (na may alyas Ustadz Omar at Abu Omar, Saumay), na kabilang sa apat na pangunahing suspek sa MSU bombing.

Patay din si Abdul Hadi, alyas Hodi Imam at Abday’N, na sinasabing gumawa ng bomba na ginamit sa pagpapasabog sa MSU.

Apat ang nasawi at 45 ang nasugatan sa naturang pagpapasabog sa MSU na nangyari sa Dimaporo Gymnasium kung saan nagdaos ng misa.