A drug user inhales "Shabu", or methamphetamine, at a drug den in Manila, Philippines February 13, 2017. Picture taken February 13, 2017. To match Insight PHILIPPINES-DRUGS/ REUTERS/Erik De Castro - RTS108NE
SWAK sa hoyo ang isang 59-anyos na barangay tanod nang maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11, 12, at 15 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang suspek na si alyas “Rico” ng Disiplina Village, Brgy., Bignay.
BASAHIN: Lalaki kinarnap motorsiklo ng dating katrabaho sa Cainta
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inireport ng 45-anyos na house maid sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 ang suspek matapos niya itong makitang gumagamit umano ng droga sa loob ng isa sa mga Unit sa Disiplina Village sa Blk 10, Brgy. Bignay.
Kaagad namang rumesponde ang mga pulis sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-6:10 ng gabi matapos maatukhan nila na sumisinghot umano ng shabu.
Nakumpiska sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,088, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at mga drug paraphernalia. (JUVY LUCERO)
