May 17, 2024

DANIEL PADILLA, ‘DI RAW PAKAKABOG KAY KATHRYN BERNARDO

TANGGAP na nga ba niyang wala na sila ni Kathryn Bernado, kaya siguro nanahimik muna si Daniel Padilla? Sa pakiramdam namin, mukhang sa pagbabalik niya ay handa na niyang tapatan ang dating kasintahan.

“Nag-unwind lang siya para pagbalik niya ay deretso na siya sa mga project na kanyang natanguan. Mag pokus muna siya sa kanyang showbiz career, dahil gusto niyang marating at matupad iyong mga hinahangad niya bilang artista.

“Tanggap na rin naman niyang hindi na niya makakatrabaho ang kanyang x- girlfriend, sa puntong iyon dedma na lamang si Deej. Pangit naman kung ilagpilitan pa niya ang kanyang sarili, kung kaya niya kaya ko rin namang muling tumayo.

“Basta ako natuto na rin, kaya lesson na sa akin ang mga nangyari sa buhay ko. Ang mahalaga naman ay andyan ang pamilya ko na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa akin. Andyan din ang mga fans ko, na pilit nila akong itinatayo sa aking pagka-dapa,” salaysay pa ni Deej.