
Isa namang impressive performance ang ginawa ni Dejounte Murray sa huge win ng San Antonio Spurs. Sinipa ng Spurs ang Chicago Bulls, 131-122. Bumira si Murray ng 29 points, 9 boards at 3 steals.
Sa panig naman ng Bulls, naglista si DeMar DeRozan ng 32 points, 8 assists at 6 boards. Habang nag-ambag naman si Zach LaVine ng 30 points.
Samantala, nagtala si Domantas Sabonis ng monster triple-double sa overtime. Bumida siya sa pagbitay ng Indiana Pacers sa Oklahoma City Thunder, 113-110.
Lumagare si Sabonis ng ng 24 points, 18 boards at 10 assists. Monster triple-doube din ang itinala ni Nikola Jokic sa panalo ng Denver Nuggets. Nilason ng Nuggets ang New Orleans Pelicans, 116-105.
Bumuslo si Jokic ng 29 points, 13 boards at 10 assists. Nag-ambag naman si Aaron Gordon ng 20 points at 4 rebounds.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort