May 4, 2024

ANTETOKOUNMPO, BUMIDA SA PANALO NG BUCKS, TIMBERWOLVES, KINATAY NG SUNS

Bumida si Giannis Antetokounmpo sa panalo ng Milwaukee Bucks sa New York Knicks, 123-108.Bumira si ‘The Greak Freak’ ng 38 points, 13 boards at 5 assists.


Naglista naman si Jrue Holiday ng 24 points at 10 assists. Nag-ambag naman si Khris Middleton ng 20 points at 7 rebounds.


Samantala, nanguna naman sina Chris Paul at Devin Booker sa panalo ng Phoenix Suns. Kinatay ng Suns ang Minnesota Timberwolves, 134-124.


Kumana si Booker ng 29 points at 9 assists. Si Chris Paul naman ay nagtala ng triple-double. Gumawa ito ng 21 points, 12 assists at 10 boards. Lumagare naman si Anthony Edwards ng 27 points at 10 assists sa Minnesota.