Tinabla na ng PBA ang referee na si Kenny Halig dahil sa controversial na officiating nito noong Game 3. Na ikinadismaya ng TNT Tropang Giga owner Manny V. Pangilinan.
“Worst officiating by far tonight I’ve seen,” ani Pangilinan sa kanyang Twitter account kaugnay sa laro noong Linggo.
Pansin din ng nanonood ng laro, tila pabor ang tawag sa Magnolia. Kaya, nanalo ito sa iskor na 106-98 sa Game 3.
“Kaduda-duda kasi ang mga calls niya. Kaya, may nagreklamo. Uwi muna siya,” ani PBA Komisyuner Willie Marcial. Kaya, pauuwiin na ang mula sa bubble.
Isang example nito ang tawag kay Brian Heruela. Kung saan, natawagan ito ng foul habang act o shooting si Paul. Na naging dahilan ng pagtikada nito ng 3 attempts sa free throw line.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo