May 3, 2024

REFEREE SA CONTROVERSIAL GAME 3 NG PH CUP FINALS; ‘UWI KA NA’—PBA

Tinabla na ng PBA ang referee na si Kenny Halig dahil sa controversial na officiating nito noong Game 3. Na ikinadismaya ng TNT Tropang Giga owner Manny V. Pangilinan.


“Worst officiating by far tonight I’ve seen,” ani Pa­ngilinan sa kanyang Twitter account kaugnay sa laro noong Linggo.


Pansin din ng nanonood ng laro, tila pabor ang tawag sa Magnolia. Kaya, nanalo ito sa iskor na 106-98 sa Game 3.

“Kaduda-duda kasi ang mga calls niya. Kaya, may nagreklamo. Uwi muna siya,” ani PBA Komisyuner Willie Marcial. Kaya, pauuwiin na ang mula sa bubble.

Isang example nito ang tawag kay Brian Heruela. Kung saan, natawagan ito ng foul habang act o shooting si Paul. Na naging dahilan ng pagtikada nito ng 3 attempts sa free throw line.