May 20, 2024

TIGNAN: SOCIAL DISTANCING ‘DI NASUNOD SA PAMAMAHAGI NG P5,000 CASH ASSISTANCE SA PARAÑAQUE CITY

‘DI mahulugang karayom ang dami ng mga residente sa Barangay Baclaran dahil sa pagpila para makakuha ng cash assistance na P5,000 mula sa pondo ng Parañaque na naglaan ng P250-M para sa 50,000 beneficiaries. Bagama’t nakasuot ng face mask ay walang 1-metrong pagitan sa isa’t isa ang mga residente, 1-metro ang bilin ng Department of Health na pagitan ng mga tao para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.