May 16, 2024

Sabik na sa pamilya | CONSTRUCTION WORKER NAGBIGTI

WINAKASAN ng isang construction worker ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon dala ng pananabik sa kanyang pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jinggol Amarado, 36, tubong Cebu at stay-in sa MJ Legaspi Company sa Dulong Hernandez, Brgy. Catmon.

Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Mabasa at PSSg Jose Romeo Germinal, dakong alas-7 ng gabi nang madiskubre ng kanyang kasama sa trabaho na si Macario Cabriana, 38, ang wala ng buhay na katawan ng biktima habang nakabigti sa loob ng container van sa MJ Legaspi Company gamit ang nylon belt looped.

Kaagad namang ipinaalam ang insidente sa Malabon Police Sub Station 4.

Sa pahayag ni Cabriana  sa pulisya, nauna ng nagtangkang magpakamatay ang biktima noong July 6, subalit nailigtas ito ng kanyang mga ka-trabaho. Ayon pa kay Cabriana, na-depress umano ang biktima dahil sa pananabik sa kanyang pamilya.