PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang pamamahagi ng relief goods at feeding program sa higit 2,000 pamilyang nasunugan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila nitong Miyerkoles, Nov 27.
Katuwang ni Senador Lapid sa relief mission ang PAGCOR at feeding program ang DZRH-OPERATION TULONG na isinagawa sa Delpan Evacuation Center sa Maynila.
Nagbigay rin si Lapid ng P200 libo para pambili ng mga gamot at iba pang pangangailangan ng mga nasunugan.
Nitong nakalipas na Linggo, November 24, libu-libong pamilya sa isla Puting Bato ang naabo ang bahay at patuloy na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection(BFP) ang sanhi ng sunog.
Inaasahan ni Lapid na makatutulong ang naibahagi nyang konting ayuda sa mga biktima.
Nagpasalamat naman kay Lapid ang mga biktima ng sunog sa napapanahong tulong sa kanila sa gitna ng kanilang paghihirap.
More Stories
6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
MANNY PACQUIAO INIHAHAL BILANG HALL OF FAMER CLASS OF 2025
SPEAKER ROMUALDEZ NA-STROKE, FAKE NEWS!