ARESTADO ang isang dating pulis na itinuturong responsable sa pagpaslang sa kanyang kaibigan habang nag-iinuman sa Nasugbu, Batangas, nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Nasugbu Municipal Police Station Chief Lieutenant Colonel Rheden Manalo, nasawi ang biktimang si Erickson Ulaye, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Bilaran, matapos barilin ni dismissed PO2 Mark Paul Ruedas, dating naka-assign sa Batangas Police Provincial Office (BPPO).
Nangyari ang krimen pasado alas-11:00 ng gabi sa Sitio Riverside, Brgy Cogunan sa nasabing lugar habang nag-iinuman.
Ayon sa suspek, niloko umano siya ng biktima kaya’t nagawa niyang itong barilin.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang ginamit ng salarin na Colt caliber 45 na baril at dalawang basyo ng bala.
Nabatid na dati na rin umanong may binaril ang salarin subalit nakaligtas ang naunang biktima at dinidinig pa sa korte hanggang sa ngayon bago ang ginawang pamamaslang sa kanyang kaibigan.
Mahaharap ang salarin sa kasong nurder na nakaditine ngayon sa Nasugbu Custodial Holding and Detention Facility. (Erichh Abrenica)
More Stories
6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
MANNY PACQUIAO INIHAHAL BILANG HALL OF FAMER CLASS OF 2025
SPEAKER ROMUALDEZ NA-STROKE, FAKE NEWS!