Matagal nang usap-usapan sa isang bayan sa Batangas ang tungkol sa isang alyas “Glenda Guevarra,” na kilalang gambling operator na sinasabing may matibay na kapit sa mga opisyal ng lokal na pulisya gayundin sa ilang personalidad sa media.
Mantakin ninyo, ilang Pasko na ang lumipas pero tila hindi natitinag ang operasyon ng puwesto-pijo na sugalan sa Brgy. Banaba ni Glenda, sa ilalim mismo ng tungki ng ilong ng mga awtoridad.
Ayon sa mga bubwit ng BERDUGO, si “Glenda” ang itinuturong salot sa lugar.
Hindi lang umano ito nakapapasok sa mga opisina ng mga hepe ng pulisya, kundi may rektang linya rin sa ilang opisyal ng Batangas PNP Provincial Office na pinamumunuan ni P/Col. Geovanny Emerick Sibalo.
Ang mas nakakabahala, may bulong-bulongan pang konektado si “Glenda” sa isang Lady Press Corp’s President, na mistulang ginagawang protektor o tagapagtanggol sa media ng mga iligal na gawain.
Naku ha!
Paanong nagkaroon ng direktang kontak si Glenda sa isang lider ng media organization at reporter pa ng TV network?
At bakit daw matapos magbigay ng impormasyon kay Madam President ay biglang nag-lock ng kanyang Facebook page si Guevarra? Hmmm…
Ayon sa ilang miyembro ng nasabing press group, tila nagkaroon ng tensyon sa loob ng kanilang Press Corps Office nang magkaroon ng sigawan na nagdulot ng takot at pagdududa? Hmmm…
May mga bulung-bulungan pa raw na baka matanggal si Madam sa puwesto, kaya’t todo-banat na lang sa mga kasamahan para ipakitang siya ang “bida.”
Pero ang tanong ng mga bubwit ng Berdugo, bakit ang tulong ay bawal, pero ang payola, puwede? Tsk!
Kung totoo ang lahat ng ito, dapat kumilos ang PNP, LGU, at maging ang mga media watchdogs.
Hindi puwedeng manatiling tikom ang bibig ng mga nasa poder habang patuloy ang ligaya ng mga pasugalan na tila may basbas ng “kapit” sa itaas.
Abangan ang mga susunod na pasabog ng BERDUGO. Dahil sa Batangas, mukhang ang tunay na bagyo ay hindi si Glenda Guevarra… kundi ang sistemang nagbubulag-bulagan sa katiwalian.
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa arnoldpajaronjr1989@gmail.com
