NALAMBAT ang tatlong mga suspek na pawang mga itinuturing na High Value Individuals o (HVI’s) na mga nagtutulak ng iligal na droga at nasamsaman ng 1.7 Milyon Piso ng mga iligal na droga sa isinagawang joint anti-illegal drug buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) IV-A Special Enforcement Team 1, PNP Regional Drug Enforcement Unit at ng General Trias City Police Station sa parking lot ng Robinsons Place, Brgy. Tejero ng General Trias City, Cavite pasado alas otso ng gabi nuon Huwebes, November 28, 2024.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina 1.Usman Anaid alyas “Jamal,” 54, 2. Aguil Asaral, 50, at si 3. Camille Roda Ismael, 41, mga residente sa Sitio Tramo Silangan, Barangay Halayhay, Tanza Cavite.
Nasamsam sa posisyon ng mga suspek ang isang paper bag na may laman ng isang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystaline substances na mga hinihinalang shabu na may bigat na 250 grams na nagkakahalaga ng P1,700.000.00 at ang ginamit na boodle marked money.
Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Laws on Dangerous Drugs Act of 2002. (Erichh Abrenica)
More Stories
6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
MANNY PACQUIAO INIHAHAL BILANG HALL OF FAMER CLASS OF 2025
SPEAKER ROMUALDEZ NA-STROKE, FAKE NEWS!