NAKOPO ni Larry Loteyro ang kampeonato ng humataw na 8th Samahang Plaridel Golf 2024 sa Villamor Air Base Golf Club sa Pasay City kamakailan.
Si Loteyro, na kumatawan sa nangungunang IT services provider na ActionLabs, ay may low gross score na 78 upang hàblutin ang titulo ng kaganapang inorganisa ng Association of Philippines Journalists Samahang Plaridel Foundation, Inc, at inisponsoran ng PAGCOR, PCSO, San Miguel Corporation. Philippine Sports Commission at JD Legaspi Construction.
Sina PSC Chairman Richard Bachmann at PCSO Chairman Felix Reyes ang humataw ng ceremonial tee-off, ģayundin sina APJ-Samahang Plaridel president Evelyn Quiroz, Atty. Ric Diaz ng NBI at Engr. Mike Marquez.
Si Quiroz ang siyang nag-award ng tropeo at premyo sa mga nagsipanalo ķaagapay si Samahang Plaridel Vice President Andy Sevilla.
Pakitang gilas din si Rizal Provincial Board member Fernando Jun Cabitac, na sumungkiit ng Low Net championship sa kànyang 80 at longest putt sa Hole No. 18.
Ang iba pang namayagpag sa paluang suportado ni House Speaker Martin Romualdez gayundin ang Rizal Park Hotel, Construction Workers Solidarity (CWS) Partylist, at Philippine Airlines ay sina Jojo Castro bilang Class A champion na may gross score na 78 at Christian Adrenida bilang Class A runner-up na may 82; Emmanuel Delima ( Class B champion) na may 71 at Don Lerit (Class B runner-up) sa kanyang 91; at Mark Reyes bilang Class C champion na may 101 (72) at Reuben Terrado bilaņg Class C runner-up na may 100 ( 73).
Ang naturang tournament with a cause ay suportado nina Senate President Chiz Escudero, Sen. Win Gatchalian, Cong. Ace Barbers, Cong. Erwin Tulfo, Cong. Salvador Pleyto, Cong. Mike Defensor, Sec. Benhur Abalos, Mayor Isko Moreno, Meycauayan Mayor Henry R. Villarica, Sta. Rosa City, Laguna Mayor Arlene Arcillas, Gov. Abdusakur Mahail Tan, Apat Dapat Partylist, ICTSI, Basic Environmental Systems and Technologies, Inc., Starpay Corporation, Metro Pacific Investment, Metro Tollways Corporation, SOGO Hotel, Go For Gold, Actionlabs, Hatasu, SylPaulJoyce, Luxuriant Automotive Group, Suzuki, Isuzu, Grab, JBL, Blade, Autohub, BCDA, Clean Fuel, Gateway, Autobot, Subaru at Honda. (RON TOLENTINO)
More Stories
6 PATAY SA SUNOG SA MAYNILA
MANNY PACQUIAO INIHAHAL BILANG HALL OF FAMER CLASS OF 2025
SPEAKER ROMUALDEZ NA-STROKE, FAKE NEWS!