May 17, 2024

MJ PHILLIPS, VALDEZ, JAJA, MICHELE AT JOVELYN GONZAGA, NANGUNGUNA SA LEADING SCORERS NG PVL OPEN CONFERENCE

Nangunguna si Mar Jana o MJ Phillips ng Sta.Lucia Lady Reators sa statistics ng leading scorer sa 2021 PVL Open Conference. Sa loob ng 4 games, nagtala si MJ ng total 61 points.

Sinundan siya ng kapwa opposite hitter na si Alyssa Valdez ng Creamline Cool Smashers. Si Valdez ay may kabuuang nalikom na 56 points.

Pumangatlo naman si Jaja Santiago (middle blocker) ng Cherry Tiggo na may 49 points. Pang-apat si Michele Gumabao (OP) ng Creamline na may 48 points. Gayundin si Jovelyn Gonzaga ng Black Mamba Army na may 48 points.


Samantala, nangunguna naman ang Petro Gazz sa Best Blocking sa Best Team Per Skills. Ang Chery Tiggo naman sa Best Spiking at Serving.

Bida naman ang Creamline sa Best Receiving at Setting. Habang ang Bali Pure ay sa Best Digging.

Ang mga statistics per skills ay hindi pa official. Dahil maaari pa itong magbago sa bawat laro.