May 20, 2024

WORLD’S SEXIEST ATHLETE ALICA SCHMIDT, TINABLA ANG OFFER NG PLAYBOY, PINILING SUMALI SA OLYMPICS

Inisnab ni World’s Sexiest Athlete na si Alica Schmidt ang isang mapangahas na offer sa kanya. Inalok si Schmidt na magpose sa Playboy. Pero, tinabla niya ito dahil sa kanyang olympic dream.

Katunayan, sasalang ang 22-anyos na German trackstar sa 4X400m relay sa Tokyo Olympics. Nakuha ni Schmidt ang bansag sa kanya sa social media. Dahil bukod sa maganda na, seksi pa.

Dahil dito, umani siya ng 1.8 million followers sa Instagram. Ito ang dahilan kung bakit nais ng iba na magpose siya sa Playboy. Gayunman, sinabi niyang focus siya sa pagiging atleta.


“I don’t know why I got this title. The focus is on sport—clearly,” aniya.

Social media tends to run alongside. If I don’t have time, I don’t post a picture.”

Noong 2017, naging part siya ng German team na nagtapos ng second place sa 4X400m relay. Ito ay nang sumalang sila sa 2017 European Athletics U20 Championships in Grosetto, Italy.

Nahumaling din sa ganda niya ang football fans. Ito’y matapos kunin siyang fitness coach ng Borussia Dortmund.