May 13, 2024

AALALAY SA MGA SENIOR, BAKUNAHAN RIN NG JANSSEN SA NAVOTAS

GERMANY, BONN – JANUARY 24: In this photo illustration a medical syringe is seen with a Janssen (Johnson & Johnson) logo displayed on a screen in the background on January 24, 2021 in Bonn, Germany. (Illustration by Ulrich Baumgarten via Getty Images)

Inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na babakunahan na rin ang mga kasama o aalalay sa mga senior na babakunahan gamit ang Covid Vaccine na Janssen sa naturang lungsod

“Ang Janssen ay para talaga sa mga senior citizen, pero may 𝗩𝗮𝘅 𝟭, 𝗧𝗮𝗸𝗲 𝟭 po tayo sa ating pagbabakuna ng Janssen sa Tangos National High School at Tanza Elementary School,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ibig sabihin aniya, ang mga sasama o aalalay sa mga senior na magpapabakuna ay babakunahan na rin ng pamahalaang lungsod ng Janssen basta’t sila ay taga-Navotas din.

“Kailangang-kailangan po natin na mahikayat ang ating mga senior na magpabakuna at kung hirap silang pumunta sa vaccination site at kailangang may kasama, babakunahan na rin natin ang kasama nila,” sabi ng alkalde. “One dose lang po ang Janssen kaya ipa-schedule na ang ating mga A2 sa https://covax.navotas.gov.ph/ Ang kanilang kasama naman ay pwede nang magwalk-in. May walk-in slots po tayo para sa mga A2 na di makaka-access sa ating website,” paliwanag niya.