May 18, 2024

Mga fans ni Barbie F. ‘di raw kumbinsido…JILLIAN WARD, ‘STAR OF THE NEW GENERATION’ TITULONG IBINIGAY NG GMA7

HINDI raw kumbinsido ang mga fans ni Barbie Forteza sa titulong ibinigay ng GMA7 kay Jillian Ward. Hindi raw nila matanggap na mas angat ang title ni Jillian kaysa kay Barbie na, Primetime Princess.

 “Insecure ba sila o baka naman hindi lang nila matanggap na mas hamak na sikat si Jillian Ward ngayon? Hindi pa ba sila kampante sa titulong Primetime Princess? Talagang bagay kay Jillian ang titulong ‘Star Of The New Generation,’ dahil siya naman talaga ang sumisimbulo sa nasabing titulo.

 “Umabot nasa 300th episode ang kanyang ‘Abot-Kamay Na Pangarap,’ at halos bukang bibig na ito ng mga tao saan panig man ng Pilipinas. At ma-extend pa ito hanggang January 24, dahil sa ganda ng istorya at talagang sinusubaybayan ng mga tao.  

“Wala ring duda na house hold name na ng mga tao ang Dr. Annlyn Santos, at kahit saan mang lugar na mag-show si Jillian ay talagang dinudumog ito ng mga tao. Kaya sana raw ay huwag nilang awayin ang actress, dahil talaga namang bagay sa kanya ang bagong titulo na iginawad sa kanya ng Kapuso Netwotk,” masayang salaysay ng aking source.