May 18, 2024

VP DUTERTE: KAILANGAN MAKASABAY ANG EDUKASYON SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

Nagpresenta ng tatlong puntong panukala sa idinaos na  2023 Global Education and Innovation Summit (GEIS) sa Seoul South Korea si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte  isa  sa mga tagapagsalita at kinatawan ng Pilipinas.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na  dapat isaalang-alang ng mga policymakers at education experts

ang kanyang three-point proposal sa pagharap  sa mga hamon na dala ng digital education sa 21st Century.

Ipinunto ni VP Sara na sa pagtanggap ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, mahalaga ang mga sumusunod:

Una, dapat ay mapanatili  ang kahalagahan ng critical thinking, communication, collaboration, at creativity ng mga learners.

Ang kahalagahan ng critical thinking ay dapat na mas bigyan ng pansin ngayong mas madali para sa mga learners  na makakuha ng iba’t ibang klaseng impormasyon.

Nang isara aniya ang mga paaralan dahil sa pandemic, mas nakita natin na dapat bigyan ng atensyon ang aspeto ng communication, collaboration, at creativity ng mga learners;

Pangalawa, dapat ay nakasentro ang teknolohiya sa epekto nito sa development ng  mga learners;

At ang pangatlo, dapat ang mga guro at mga mag-aaral na  end-users ang susukat at magsasabi kung epektibo o hindi ang isang tekholohiya.

Sa huli, nagpasalamat si VP Sara sa Republic of Korea sa kanilang imbitasyon.