May 18, 2024

LizQuen, hiwalay na nang tuluyan… ENRIQUE GIL, NAGSOLO NA RIN SA WAKAS

BUWAG na ang LizQuen, at nagsolo na rin si Liza Soberano. Pero hindi rin nagpahuli si Enrique Gil, nagsolo na rin ito. At hindi nagpatalo sa kanyang ka-love team, kaya umariba na rin siya.

 “Tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Enrique Gil, dahil hindi na ito nakadepensa sa kanyang ka-love team. Sa pagsosolong ito ni Quen, may movie na itong ginagawa na ang titulo ay ‘I Am Big Bird’ na kanilang kinunan sa bansang Thailand, kung papalaring bumongga ang kanyang career aside from movies ay magkakaroon na rin siya ng teleserye at baka masundan pa itong movie niya na ito.

 “Sana matanggap ng LizQuen ang desisyon ni Quen na ito. Ang masakit lang, wala na ang kanilang love team. Pero hindi sumuko si Quen, tumayo ito at ipinakita niyang kaya  na rin niyang magsolo sa tulong ng kanyang manager na si Ogie Diaz. Kung Bobongga ang pagsosolo niya, tiyak na magiging kaliwa’t kanan ang mga projects na darating sa kanyang career,” chika pa ng aking source.