May 18, 2024

Hope, naglevel-up na… LIZA SOBERANO, MAY SARILI NG PRODUCTION COMPANY NA

HINDI raw nagpatalo sa mga pagsubok itong si Liza Soberano, kung hindi man naging matagumpay ang career niya sa Hollywood ay nagpatuloy pa rin naman siya at hindi nga niya sinukuan ang mga problemang duamating sa kanyang showbiz career.

 “Maraming nasaksihan si Liza Soberano sa mismong collaborative work ng Star Cinema at ng isang Korean company, doon ay napansin niya kung gaano kabilis mag work ang mga Koreano kaya nga gusto rin niyang makuha ang ganoong klase ng pagtatrabaho kung baga gusto niyang i-adopt ito.

 “May mga business partners na siya na makakatulong niya na mula sa Korea at America, kaya magiging busy na muli siya at magiging madalas ang pagpunta niya sa Korea para dumalo sa mga meetings. Sanay na man si Liza, sa mga gawaing pang production dahil sa edad niyang 30 ay nag work na ito sa production,” salaysay pa ng aking source.