Sina Dr. King Verzola (kaliwa), Manila Water Energy Director, at Ruby Rose Mercado (kanan), General Manager ng MWPV-Cebu, sa 2026 ASEAN Energy Awards Gala Dinner sa Museo del Galeón, Maynila noong Oktubre 7, 2026.
Muling nagbigay ng dangal sa sektor ng tubig sa Pilipinas ang Manila Water Company, Inc. at ang subsidiary nitong Manila Water Philippine Ventures Cebu matapos magwagi ng podium finishes sa ginanap na ASEAN Energy Awards (AEA) 2026.
Ginanap ang gabi ng parangal noong Oktubre 7, 2026 sa Museo del Galeón sa Maynila, kasabay ng 44th ASEAN Ministers on Energy Meeting at 26th ASEAN Energy Business Forum.
Pumangalawang runner-up ang 2.5 MWp Solar Project ng Manila Water sa On-Grid Self-Consumption Category sa ilalim ng ASEAN Renewable Energy Project Awards, na kinilala bilang pinakamalaking consolidated solar installation sa sektor ng tubig sa bansa.
Samantala, nasungkit naman ng MWPV-Cebu ang unang runner-up sa Energy Management in Buildings and Industries – Small & Medium Industries Category sa ilalim ng ASEAN Energy Efficiency and Conservation Best Practices Awards.
Ayon kay Dr. King Verzola, Manila Water Energy Director, bagama’t tubig ang pangunahing serbisyo ng kumpanya, lampas dito ang kanilang responsibilidad sa lipunan.
Ipinagmamalaki aniya ng kumpanya ang maging bahagi ng paghubog sa sektor ng enerhiya tungo sa mas malinis, mas episyente, at mas napapanatiling kinabukasan para sa bansa.
Inihayag naman ni Arnold Mortera, Manila Water Chief Operating Officer para sa East Zone, na ang mga natanggap na parangal ay patunay ng visual at mithiin ng kumpanya na maging pandaigdigang pinuno sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo sa tubig at kapaligiran.
Idinagdag niya na ang mga inisyatibang ito ay nakatutulong din sa pagpapatatag ng operasyon ng kumpanya laban sa mga hamon ng pagbabago ng klima, kabilang ang banta ng matinding El Niño.
Ang ASEAN Energy Awards na inorganisa ng ASEAN Centre for Energy ay isa sa mga pinakaprestihiyosong plataporma sa Timog-Silangang Asya na nagpaparangal sa kahusayan sa renewable energy, energy efficiency, at sustainable energy management sa buong rehiyon.
Ang mga bagong parangal na ito ay idinagdag sa mga nauna nang pagkilala na natanggap ng Manila Water mula sa Department of Energy.
