May 18, 2024

Kaya binitiwan ng dating TV network? BEA ALONZO, HUMINA ANG SHOWBIZ CAREER NG NAPUNTA SA GMA 7

MAY dalang malas daw ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque, dahil inaalat ngayon ang showbiz career ni Bea Alonzo.

“Biruin ninyo iyong drama series nilang dalawa ni Dennis Trillo, tinalo pa ito ng drama series nina Donny Pangillinan at Belle Mariano. Sadsad ang ratings ng kina Bea at Dennis, kumpara kina Belle at Donny.

“Sadsad din ang naging resulta ng pelikula ni Bea na ipinalabas pa sa US, ito iyong US roadshow presentation na sabay-sabay na ipinalabas sa 200 sinehan sa Amerika na sad to say ay hindi kumita sa takilya.

“Kaya nasisilip tuloy na ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque, ang mukhang may dalang malas at bad vibes sa kanyang showbiz career,” patuloy na kuwento pa ng aking source.