May 17, 2024

‘Di na raw kaya ang tatlong shows… VICE GANDA, TINANGGIHAN OFFER NG ABS-CBN NA IBALIK ANG ‘GANDANG GABI VICE’ TV SHOW

NANGHIHINAYANG si Vice Ganda nang muling kausapin siya ng management ng ABS-CBN para muling ibalik ang dati niyang show na ‘Gandang Gabi, Vice.’ Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila makumbinsi si Vice, dahil hindi pa ito pumipirma ng kontrata para sa nasabing show.

“Hindi na ho kaya ni Meme Vice Ganda ang tatlong shows, siguro kung ‘seasonal’ basis baka pwede pa. Ayaw naman niya kasi, pa ulit-ulit ang mga nagge-guest sa kanyang show na ‘GGV.’ Iyan ang dahilan kaya, inayawan na niya iyang show na iyan.

“Naghahanda na rin siya ngayon, dahil nalalapit na ang pag-babalik ng kanyang ‘It’s Showtime.’ Dahil nakapag bakasyon sila nang husto at excited na muli siyang mag-show,” masayang kwento ng aking source.