May 18, 2024

Para daw sa promotion ng movie? ALDEN RICHARDS NA-SCAM NG P200-M?

PAANO at kailan siya natangayan ng scammer ng halagang P200 milyong pera si Alden Richards? Wala kaming nabalitaan, kaya duda kami kasi may pelikula itong ipinapalabas.

“Kung totoong natangayan siya ng 200M, bakit hindi iyan nabalita sa TV show o naisulat manlang sa dyario?

“Lumalabas tuloy na mukhang promo lang ng pelikula niya na mahina sa takilya, kaya na open iyang scam isyu na iyan,” hinalang chika ng aking source.