May 18, 2024

Ikinalungkot ni Mayor Abalos… CHIEF OF POLICE NG MANDALUYONG POSITIBO SA DROGA

Nagpahayag ng kalungkutan si Mandaluyong Mayor Ben Abalos Sr nang matuklasan na user ng illegal ang chief of police na si PCol. Cesar Gerente.

Si Col Gerente ay napabilang sa surprised drug test na isinagawa sa Mandaluyong police kamakailan ng matataas na opisyal ngnNational Capital Region Police Office (NCRPO) na dito  nagpositibo sa drug test  si Gerente at maging sa confirmatory test.

Bagaman nalulungkot, nilinaw ni Mayor Abalod na layon ng surprise drug tests na linisin ang hanay ng pulisya sa mga miyembrong gumagamit ng bawal na droga upang isulong ang pinakamataas na pamantayan sa mga kagawad ng PNP.

Kasabay nito ay maínit na tinanggap ng Alkalde si PCol. Mary Grace Madayag bilang bagong Chief of Police ng Mandaluyong City.