May 7, 2024

15 PATAY SA QUEZON CITY FIRE

PATAY ang 15 katao nang nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Tandang Sora, Quezon City, Huwebes ng umaga.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa anong pinagmulan ng malaking sunog na ikinasawi ng 15 katao sa Pleasant View Subdivision sa Tandang Sora.

Tatlo katao naman ang nailigtas, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sinasabi na pagawaan umano ng t-shirt at printing ang unang palapag ng bahay na natupok, at meron umanong mga imbak na pintura sa lugar na siyang nagpalaki pa ng apoy.