Poster ng Festival
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
MAGAGANAP ang Calambagong Buhayani Festival 2026 kaalinsabay ng paggunita sa ikaisandaan at animnapu’t limang (165) anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal (1861-96) ngayong 19 Hunyo 2026 Biyernes. Ang festival ay pangungunahan ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba na magkakaroon ng Grand Parade, Streetdance Exhibition, Float Competition, at Run for the Rivers.
Nagsimula ang pagdiriwang kaugnay sa paggunita sa ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na isinagawa sa Calamba City Hall nakaraang 12 Hunyo Biyernes.
Ngayong 16-18 Hunyo Martes-Huwebes ay Our Lady of Good Voyage from Antipolo-Commemoration of Jose Riza’s Journey na pangungunahan ng St. John Baptist Church, City Hall, at Aplaya.
BASAHIN: Lektura ng Alyansang Pranses sa Maynila, Tagumpay!
Pagsapit ng 17 Hunyo Miyerkoles sa ganap na ikawalo ng umaga ay ang Calambagong Mega Job Fair sa SM Calamba.
Ang Watawat ng Lahi ay nakatakda sa Jose Rizal Plaza ngayong 18 Hunyo Huwebes sa ganap na ikatlo ng hapon.
Sa araw ng kaarawan ni Dr. Rizal 19 Hunyo Biyernes ay magkakaroon ng Sabayang Pag-aalay ng Bulaklak sa mga bantayog ng pambansang bayani kabilang ang Museo ni Jose Rizal sa ganap na ikapito ng umaga. Susundan ng Calambagong Buhayani Grand Parade, Steetdance Exhibition, at Float Competition, lahat sa Crossing-City Plaza.
Ang mga Commercial Float na makikilahok ay batay sa sumusunod: Jollibee, PLLC Enterprises/Ebike, NEPHRO Group of Dialysis Centers Nephrology Center of Calamba Laguna, South AsiaLink Finance Corporation, Gardenia Bakeries Philippines, Inc., Mrs. Laguna Philippines/Mrs. Philippines International/Reproactive Marketing Global Inc., at Asialink Finance Corporation.
Ang Salamisim: Laguna sa mga Gunita ni Rizal Lecture ay magaganap sa Museo ni Jose Rizal sa 26 Hunyo Biyernes ikasiyam ng umaga.
Ang Run for the Rivers ay isasagawa sa Calamba City Hall ng 28 Hunyo Linggo ikalima ng umaga.
Ang lahat ay hinihikayat na sama-samang ipagdiwang ang mayamang kasaysayan, kultura, at patuloy na pag-unlad ng Lungsod Calamba sa pamamagitan ng isang makulay na festival.
Mabuhay!
