Si Prof. Guillaume Gaudin sa kaniyang panayam
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
NAGING matagumpay ang pagdaraos ng lektura ng Alliance Francaise de Manille na pinamagatang โNew Insights on How and Why Spaniards Conquered and Colonized the Philippinesโ batay sa aklat na ๐๐๐พ๐ค๐ฃ๐ฆ๐ชรช๐ฉ๐๐๐๐จ๐๐๐๐ก๐๐ฅ๐ฅ๐๐ฃ๐๐จ๐ฅ๐๐ง๐ก๐๐จ๐๐๐จ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฆ๐ช๐๐จ (The Spanish Conquest of the Philippines) ng Pranses na may-akda at propesor na si Guillaume Gaudin. Ang gawain ay naganap sa Alliance Francaise de Manille sa Nicanor Garcia, Lungsod Makati noong 09 Hunyo 2026 Martes ng gabi.
Ang Alliance Francaise de Manille o Alyansang Pranses sa Maynila ay isang organisasyong itinatag sa Maynila noong 1920. Ang samahan ay nagsisilbing panimulang pangkalinangan na pagkilala sa dayuhan. Layunin ng grupo na itaguyod ang wika at kalinangang Pranses sa Pilipinas, at magkaroon ng mabuting relasyon sa pagitan ng mga Pilipino at Pranses sa pamamagitan ng sining at mga palatuntunang pangkaalaman at pagtuturo.
Si Guillaume Gaudin ay propesor sa University of Toulouse Jean Jaurรจs (itinatag 1974) na nagpakadalubhasa sa kasaysayan ng Spanish Empire. Kaniyang pinag-aralan ang kasaysayan ng kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pagitan ng ikalabinganim (16) hanggang ikalabing pitong (17) siglo sa loob ng mahigit na isang dekada. Sa kaniyang panayam, binigyang-diin niya ang interes sa paksa na naaayon sa kaniyang pinagmulan, at tinalakay ang iba’t ibang aspeto ng kolonisasyon ng mga Espanyol. Nakapukaw ng interes sa mga tagapakinig nang ipakita niya ang unang orihinal na sagisag ng mga Espanyol mula sa kanilang mga unang araw sa Pilipinas.

Gumamit si Gaudin ng mga archival na dokumento upang magbigay ng liwanag sa masalimuot na kasaysayan ng pananakop sa Pilipinas, na nakaugnay sa mga kaguluhang pampolitika sa Mexico at Espanya. Iniuugnay niya ang pagtatagpo ng mga Espanyol at mga katutubo sa mga akademikong kumperensya na ginanap sa Madrid upang balangkasin ang paghahati ng mundo. Sinusuri niya ang mga hulwaran sa bukas na karagatan at ang praktikal na kaalaman ng mga manlalakbay. Batay sa pagsusuri, ang naganap na โpananakopโ ay halo-halo, magulo, hindi pa tapos, at walang sistema. Ipinapakita din ang isang uri ng kontra-kasaysayan ng โmalalaking pagtuklasโ.
Nagkaroon ng masigasig na pagtatanong mula sa mga tagapakinig kay Gaudin tungkol sa mga pandaigdigan at pampolitikang relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansang Asyano. Ang kaniyang aklat ay binili ng mga dumalo na may kasamang lagda ng mayakda.
