Isang dambuhalang rainbow installation ang halos lumilim ngayon sa tanyag na Oblation statue sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Martes, Hunyo 16, 2026.
Ito’y matapos mapuno ng mga makukulay na banderitas at mga Pride flag ang kahabaan ng unibersidad bilang hudyat ng paghahanda para sa taunang Pride March na nakatakda sa darating na Hunyo 27.
BASAHIN: 57% ng mga Pilipino, gustong manirahan o magtrabaho sa ibang bansa – OCTA Research
Ayon sa mga organizer, ang mga makukulay na dekorasyong ito ay binuo upang isulong ang pagtanggap sa lahat ng kasarian, pagkakapantay-pantay, at suporta para sa komunidad ng LGBTQIA+.
Inaasahang magiging isa sa pinakamalaking pagtitipon para sa Pride celebrations sa buong bansa ang gaganaping aktibidad sa katapusan ng buwan.
