Idaraos ang Barangay at SK Elections ngayong taon sa Disyembre 5, 2022. Kung kaya, puspusan ang pagpaparehistro ng mga bagong botante. Gayundin ang transfer at pag-aactivate ng ibang botante. Sa nakikitang sistema sa pangkalahatan, medyo di maayos.
Bagamat sinisikap ng kawani ng Comelec na mapadali at mapaayos ang proseso; may nakikita pa ring gusot. Turan ng iba, mahaba ang pila, may pinilipi na inuuna. Yung mga nauuna ‘e nahuhuli at kabaliktaran nito. Gayun ang siste lalo na sa mga lalawigan. Kasi nga, kaunti ang personnel. Mayroon nga na iisa lang ang nagtitipa sa computer. Kaya, tambak ang itatala nila na daan-daan o libo-libong forms.
Kaya, tiyaga talaga ang ilan sa ating mga kababayan na makapagparehistro. Lalo na ang mga bago pa lang botante sa SK at sa Barangay. Patapos na ang pagpaparehistro bukas, pero, marami pa rin ang hindi nakakarehistro.
Hiling nila, ma-extend ito kahit hanggang katapusan ng Agosto. Sa gayun ay ma-accommodate lahat ng magpaparehistro. Sana naman ay mapagbigyan pa ng Comelec ang hiling ng ating mga kababayan. Na palawigin pa ang voter.s registration. Dahil natitiyak natin na marami ang hindi makakapagrehistro.
More Stories
Gigil na gigil sa mga Duterte
Mga Tagumpay na Ipinamalas ng550th Air Base Group
BENEPISYO NG ESTUDYANTE, ISA SA MGA POKUS NG USAF-PAF, BABHNS CLEAN-UP DRIVE