May 3, 2024

Ironman 70.3 Philippines, aandar sa Agosto 7 sa Cebu City

(Swimbikerun.PH photo)

Aandar ang Ironman 70.3 Philippines Asia-Pacific Championship sa Mactan, Cebu sa Agosto 7. Kung saan, magtatagisan ang top- age group triathletes. Di lamang sa ating bansa, kundi sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nasa 10 bansa ang kalahok sa nasabing torneo.

Kasali rito ang pambato ng Malaysia, Hong Kong, Japan, Australia at Pilipinas. Gayundin ang Korea, China, United Kingdom, U.S at France. Maglalaban ang mga nasyon sa matikas na 1.9 km swin bike. Idagdag pa ang 21k run event na paalis at pabalik ng Mactan Newton, Lapu-Lapu City.

Ibabandera ng bansa ang local bets sa nasabing torneo. Kabilang na rito si Satar Salem ng Laneo Del Norte. Nagkampeon si Salem sa Sun Life 5150 Triathlon sa Panglao, Bohol ngayong buwan.