May 18, 2024

ABALOS, REMULLA POSIBLENG MAGING EXECUTIVE SECRETARY (Vic Rodriguez nagbitiw na ba sa puwesto?)

Isa sa dalawang Cabinet Secretaries ang posibleng pumalit kay Executive Secretary Vic Rodriguez matapos umugong ang balita kaugnay sa pagbibitiw umano ng huli sa puwesto.

Ayon sa Iskooper ng Politics.com.ph,  pinag-iispan kung sino kina Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang maaring maupo sa nasabing puwesto na itinuturing bilang “Little President.”

Si Abalos, na campaign manager ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections, ay malapit kay First Lady Liza Araneta Marcos dahil magkaklase ito sa Ateneo Law School.

Samantala, inalok naman ni Marcos si Remulla na talikuran na ang pagiging congressman upang pamunuan ang Department of Justice.

Itinanggi naman ni Rodriguez ang napapaulat na balita na siya ay nagbitiw sa puwesto.

“I am still here in my office,” giit ni Rodriguez sa mga reporter.