September 18, 2024

JOHN LLOYD CRUZ, MAY OFFER NA GUMAWA NG SITCOM SA TV5

HANGGANG ngayon ay marami pa rin sa mga fans ni John Lloyd Cruz, na umaasang magbabalik showbiz na ang actor. Ang pinaka latest ngang balita ay ang tungkol sa offer ng grupo ni Congressman Albie Benitez kay Loydie na, sa Kapatid TV5 nila buhaying muli ang naudlot na career ni John Lloyd. Isang sitcom project ang alok nila kay John Lloyd, pero mukhang okay naman sa TV5. Ang nasabing sitcom ay ala-Home Sweetie home ang dating nito, na kapag natuloy ay malamang na magustuhan ito ng mga supporters ni Loydie.

Pero mukhang mauudlot na naman ang nasabing project, dahil up to now ay hindi pa nila nakakausap nang masinsinan ang actor. Tanong tuloy ng nakararami kung matutuloy pa ba ngayong taon ang project nila para kay John Lloyd? Pero ang TV5 ay mukhang waiting pa rin, at mukhang gustong tumulong ng Kapatid network na muling pabonggahin ang career ni John Lloyd Cruz.

Sabi nga nila pursigido sila sa actor na muling makabalik, pero mukhang hindi pa rin ready si John Lloyd. Sayang ang mga pagkakataon at mga taong handa siyang tuluingan, pero hindi naman siya nakikiisa. Baka naman hindi pa talaga feel ni John Lloyd na bumalik, o baka mayroon pa siyang ibang pinagkakaabalahan. Pero ganun paman, nmagpapasalamat pa rin ang mga fans niya dahil may mga taong handa pa rin siyang tulungan na makabalik sa mundo ng showbiz.