Isang maalab na pagbati at pagpupugay kay Ginoong Socrates L. Pimentel, kolumnista ng Agila ng Bayan, na tatanggap ng Gawad Parangal ng Bayaning Pilipino bilang “Renowned Filipino Educator and Distinguished Columnist with Remarkable Hero of Excellence in Social Commentary and Educational Leadership Award” mula sa Legacy Crown Corporation.
Gaganapin ang seremonya ng parangal sa The Heritage Hotel Manila ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 12, 2025.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang personal na karangalan kundi tagumpay din ng Agila ng Bayan at ng sambayanang Pilipino na kanyang pinaglilingkuran sa pamamagitan ng matalas, makabuluhan, at makabayang pagsusulat.
Sa inyong husay, tapang, at dedikasyon sa pagtuturo at pagbibigay-liwanag sa lipunan, tunay kayong “Agila ng Bayan” na isang matayog, mapanuri, at may malasakit sa katotohanan.
Mabuhay ka, Ginoong Socrates L. Pimentel!
Karangalan ka ng Agila ng Bayan at ng buong sambayanang Pilipino.
