Pinatawan ng Sandiganbayan Third Division ng 90-araw na preventive suspension si Senator Rodante Marcoleta kaugnay ng pormal na kasong plunder at paglabag sa Anti-Gift Giving Law hinggil sa diumano’y hindi naideklarang P75-milyong pondong nakuha nito noong 2025.
Sa resolusyong may petsang Oktubre 19, iginiit ng korte na ministerial duty o obligado silang maglabas ng suspensyon kapag napatunayang prior at balido ang information ng kaso.
Nilinaw din ng Sandiganbayan na hindi maaapektuhan ang pangkalahatang tungkulin ng Senado bilang isang collegial body sa kabila ng pansamantalang pagka-suspinde ng mambabatas.
Kabilang sa mga dinawit bilang co-conspirators sina dating congressman Mike Defensor at ang mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray.
Naisumite na ng prosekyusyon ng Ombudsman ang kanilang mga ebidensya, habang nakatakda namang magsimula ang kampo ni Marcoleta sa pagprisinta ng kanilang mga depensa ngayong Huwebes, Oktubre 22.
