Photo: PCG
Pormal nang umupo bilang bagong Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG) si Vice Adm. Rommel Supangan matapos ititalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kapalit ni Adm. Ronnie Gil Gavan matapos magretiro.
Sa ginanap na change of command ceremony sa Port Area, Maynila nitong Lunes, Oktubre 19, inilatag ni Supangan ang apat na pangunahing prayoridad ng kaniyang pamumuno: ang reporma sa pamamahala, epektibong pagbabantay sa karagatan, modernisasyon ng mga kagamitan, at pagpapalakas ng internasyonal na pakikipagtuwang.
Nangako si Supangan na mas pag-iibayuhin ng PCG ang mga sovereign patrol sa West Philippine Sea bilang suporta sa whole-of-government approach upang ipaglaban ang karapatan at teritoryo ng bansa nang may dignidad at buong katatagan.
Si Supangan ay miyembro ng PMA Marilag Class of 1995 at nagtapos ng Master of Science in Maritime Affairs sa World Maritime University sa Sweden.
Bago ang kaniyang bagong pwesto, nagsilbi siya bilang commander ng Marine Environmental Protection Command at Coast Guard Fleet Commander.
