INIHAYAG ni Mayor Benjamin Magalong na personal siyang pinakiusapan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na huwag bumitiw bilang special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Magalong, mismong si Dizon ang nagmakaawa na manatili siya sa komisyon upang ipagpatuloy ang laban kontra katiwalian.
“Sir, please, ’wag mo akong iwan… Sir, think about it, please,” ani umano ni Dizon sa kanya.
Gayunman, nilinaw ng alkalde na nananatili ang kanyang tiwala sa dedikasyon ng DPWH chief sa pagsusulong ng pananagutan sa ahensya.
“Napaka-passionate ni Sec. Vince. Talagang dedicated ’yan, very committed ’yan. Ayaw ko sana siyang iwan dahil nakita ko ’yung commitment niya to get to the bottom of these anomalies,” dagdag ni Magalong.
Ang ICI ay binuo upang mag-imbestiga at magsuri ng mga proyekto ng pamahalaan na umano’y nalulugmok sa katiwalian at iregularidad.
