December 25, 2024

Tanggap daw ng ina ang sexual preference… K BROSAS, WALANG GALIT SA PAGIGING LESBIAN NG ANAK

BILANG isang ina, hangad ni K Brosas ay ang ikabubuti ng kanyang anak. Kaya nga ang pinaka-magandang regalo niya kay Crystal Brosas, ay ang tanggapin ito at suportahan kahit siya’y isang lesbian.

High school pa lang daw, ay alam na niya ang sexual orientation ng anak niyang si Crystal Brosas. Very proud daw siya sa kanyang anak, kahit ito’y isang lesbian at wala siyang galit sa kanyang anak.

“Nanay ako, at bilang nanay ayaw mong nasasaktan ang iyong anak. Kaya kahit anu pa siya, tanggap ko dahil mahal ko si Crystal. Kaya nga nang ipinagtapat niya sa akin na isa siyang tomboy, masakit man, pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya at sa halip ay tinanggap ko siya.

“Yung anak ko, nag-iiiyak. Inunahan ako ng iyak, Ako, kalmado. Sabi ko, ‘Anak, kahit ano ka, kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita, kasi yun ang unconditional love ng isang ina sa kanya anak. Alam nyo naman ang mga nanay, mapagbigay sa kanyang anak,” kwento pa ni K Brosas.

Nag-iisang anak lang pala ni K, si Crystal Brosas kaya ganoon na lamang ang pagmamahal nito sa kanyang anak.